CHAPTER 72 Linggo ng umaga nang magpasya si Miguel na muling magtungo sa bahay ng mga Millares. Matapos ng naging pag-uusap nila ng ina ni Allana ay hindi nabawasan kahit bahagya man lang ang hinanakit na nasa kanyang dibdib para sa mga ito. He was still hurting. Hindi lang dahil sa katotohanan na inilayo ng mga ito sa kanya si Allana noon. Mas dobleng sakit ang nadarama niya dahil sa kaalaman na may anak siya ngunit hindi man lang niya nakasama mula nang isilang ito. At matapos ng lahat ng mga nangyari sa bansang Turkey ay hindi man lang niya nakita at nakilala ang kanyang anak kay Allana. He agreed to what Mrs. Millares said to him. Nauunawaan naman niya ang kalagayan ni Allana ngayon. Alam niya na hindi madali ang pinagdadaanan nito. Hindi niya man gusto ang suhestiyon ng ina ni Alla