Nang dumilat ako kinabukasan ay sobrang bigat ng pakiramdam ko, rather sobrang sakit. To say I am literally in pain would be an understatement. Ngayon ko lamang naranasan ang magising ng ganito na para bang binugbog ako kagabi. O siguro ay kagabi ko lamang din naranasan ang nangyari kagabi? Mabilis kong nilingon ang gilid ng aking kama at wala naman doon si Austin. Humigpit ang hawak ko sa comforter na nakatakip sa aking katawan. Ngunit ng silipin ko ang sarili ay nakita kong may suot naman akong panibagong damit. Ipinilig ko ang ulo upang mawala ang mga bagay na pumapasok sa utak ko. Siguro ay panaginip lang iyon. Kung totoo man ay iyon ang unang beses na nanaginip ako ng ganoon at hindi ko malaman kung gugustuhin ko pa bang maulit iyon. Sinubukan kong maupo at agad ding ngumiwi. Ngayo