"Ate Pee, aalis na kayo?" mangiyak-ngiyak na tanong ni Angela ng makita kami sa sala. Sa likuran n'ya ay isang babaeng katiwala sa orphanage. "Why are you here?" takang tanong ko at sinulyapan si Ashley at Peter na nakaupo sa kabilang sofa. Lumapit sa akin si Angela at umupo sa tabi ko. "Mother Liza told me na aalis na kayo ngayon. Baka rin daw hindi na kayo dumaan pa sa orphanage." "Busy kase si Ate pero babalik din kami." Tipid akong ngumiti, hindi sigurado kung kailan nga ba ako makakabalik ulit. "Really? Where's Kuya Austin?" "Upstairs. Nagbibihis pa." Nagsalubong ang kilay ko dahil sa bagal ng lalaking iyon. Natapos na at lahat na kumain ang dalawa hindi pa rin s'ya tapos. Kung hindi s'ya bumaba kanina para kunin ang damit sa kotse at ibinalik naman ang suit na suot kagabi, iisi