"Here." Pinagmasdan ko ang hand sanitizer na hawak ni Derek. Nagtataka ko s'yang tiningnan. Nang hindi ko iyon kinuha sa kanya ay s'ya na ang nagbukas. Hinawakan n'ya ang kamay ko at nilagyan ng sanitizer ang palad kong ginamit ko sa pagpunas ng noo ko. Ngumiwi ako dahil halos ubusin n'ya lahat iyon sa palad ko. "You know what? Austin is right. Nakakainis ka rin pala talaga." Sandali kaming nagkatitigan dahil doon. Binawi ko ang kamay ko at pinunasan ang sanitizer. Ngumuso ako. "Bakit daw?" Tumawa s'ya at lumingon sa paligid. Huminga ako nang malalim dahil sa pagtawa n'ya. Dahil doon ay pakiramdam ko s'ya na ulit ang Derek na nakilala ko. Bago pa n'ya masagot ang tanong ko ay pumarada sa harapan namin ang pamilyar na sasakyan ni Tim. Bumaba ang salamin sa driver seat. Magkadikit na an