"I love this all!" masayang sinabi ni Angela habang isa-isang tinitingnan ang mga paintings at sketchpads na nasa sofa ng sala. Ang ibang mga batang pagpipinta rin ang hilig ay nakigulo na rin. Ngumiti ako at lumapit sa kanya. Bahagya kong ginulo ang kanyang buhok dahilan para mag-angat s'ya ng tingin sa akin. Hawak ang malaking sketchpad ay ngumiti s'ya sa akin. "What are you going to say to Kuya Austin?" Tumango s'ya sa akin bago hinarap si Austin na nakangiti sa amin. "Salamat po, Kuya Austin." Sinulyapan ako ni Austin bago nagkibit balikat. "You're welcome." "What is he doing here?" my brother Peter, annoyingly asked as he emerged out from nowhere. I cleared my throat and faced them two, Austin and Peter. Sa mga ganitong pagkakataon ay parang si Peter ang mas matanda sa aming dal