"Ate Pee!" Yumuko ako upang mayakap s'ya. Halos hindi naman ako makahinga ng pilit s'yang kumapit sa balikat ko. Pero dahil sa bigat n'ya ay hindi ko kinaya. Kaya naman umupo na lang ako upang mapantayan s'ya. "Ate Phoebe, Angela." nakangiting sinabi ko. Natawa na lamang ako ng nahihiya s'yang umiling sa akin. Ang dali lamang namang bigkasin ng pangalan ko pero hindi n'ya masabi ng maayos. "It's fine." sabi ko at hinawakan ang kamay n'ya para makapasok na sa loob. "Where Mother?" Tinuro n'ya lamang ang loob. Kung anuman ang sinabi n'ya ay hindi ko na narinig dahil sa sigawan sa loob. "Welcome back Peepee!" Ngumiwi ako sa mas malakas na pagsigaw ni Nicole. Phoebe naman ang sinabi nilang lahat pero dahil sa lakas ng boses n'ya ay halos iyon lang ang narinig ko. "Welcome back, anak!" M