SAMANTHA CORTEZ Point of View "Nananaginip ba ako? Paki gising naman ako." 'Yan ang sinasambit ko sa aking sarili habang naglalakad sa aisle ng simbahan papunta sa harap ni Brian. Kahit ilang malik-mata na ang ginawa ko ay totoo talagang ikakasal na ako. Ang araw na ito. Ito na iyon! Inilibot ko ang aking mata sa buong paligid. Narito ang importanteng tao sa buhay ko ngayon pati na rin ang importanteng tao ng mapapangasawa ko, si Brian Lopez. Hindi mawawala sa mata ko ang importanteng mga tao na inimbitahan ko. Ang pangalawang pamilya ko, ang Villafuerte Family. Sa pangalawang pagkakatao kasi ay kinuha ko itong ninong sa aming kasal ni Brian. Bridesmaid ko naman ang anak nitong si Tifanie. Present din ang bessywap kong si Mico na kakabugin pa ako sa kagandahan ngayon araw. Kung babae it

