BRIAN LOPEZ Point of View Buong weekends kami nag stay sa hacienda ni Samantha dahil na din sa kagustuhan ni lolo at lola. Wala man lang kami matagal na oras kaming magkasama ni Samantha dahil ang babaeng iyon, nakatuon ang atensyon kay Cassy sa paglalaro at pag ba-bake. Si lolo naman ay panay ang patawag sa magiging asawa ko upang maglaro ng chess. Halos isa hanggang dalawang oras itong mga nag lalaro sa study room at hindi nag papa istorbo. As usual, talo pa rin si lolo kahit anong gawin pag pra-practice nito gaya ng sinabi ni lola. Si lola naman ay binibigyan ng payo si Samantha sa magiging apo nito. May mga pagkain na ipinag bawal si lola, dahil nakakasama sa buntis. Dahil unang naging ina si lola, as mas minabuting tandaan at gawin iyon ni Samantha, kahit OA na. 'Yan yung ayaw ni

