3 and half years later............ SAMANTHA CORTEZ Point of View What a wonderful morning to wake-up kung mabubungadan mo sa iyong paggising ang dalawang lalaking mahal mo sa buhay. "Mimi..." bulong ng maliit na boses sa aking tainga. Nagkukunwari pa na tulog ako. "Kiss your mom so that she can wake up like Cinderella." Nangingiti ako sa dalawang tao na nasa tabi ko dahil ang kukulit. Naramdaman ko na hinalikan ako ng anak ko sa aking labi kaya naman idinilat ko na ang mata ko. "Good morning, little boy." Bati ko. Niyakap ko ito at hinalikan. Pagkatapos kong halikan ang aking anak, ang ama naman ang humahaba ang nguso at gumagaya sa anak. "How about daddy?" tanong nito. "Oh, kawawa naman si daddy!" Pakunwaring malungkot kong sabi. "Come here, daddy. I will kiss you too." Nakita k

