BRIAN LOPEZ Point of View Ito na ang pinakahihintay namin na araw ni Samantha. Sa wakas, mabibigyan na rin ng hustisya ang nangyari sa kanyang ama. Panatag kami dahil malakas ang laban namin sa kaso. Kahit anong deny at i-present ni Uncle Demitteo sa korte, wala itong saysay dahil sa mga witness namin. Nakumbinsi namin ni Samantha si Engr. Abad na humarap sa korte at magtestify ng nalalaman nito. Nakatulong din ang ilan namin hawak na ebidensya upang madiin sa kaso si Uncle Demitteo dahil sa pangungurakot niya sa kumpanya. Nag-testify din sa kaso ang inutusan ni Uncle Demitteo ukol sa pagbabalak na pagpatay kay Samantha. Dahil sa hirap ng buhay nito ay gumawa ng paraan si Samantha at hindi na ito kinasuhan. Binigyan din ito ni Samantha ng pera upang makapag simula sa buhay at makapagtra

