Chapter 3
Hindi halos nakatulog si Dylan dahil sa bagong batang nasa kanila.
Alas singko na nang madaling araw at madilim pa sa labas ng mansyon nila. Minabuti niyang tumayo na at pumasok sa kwarto ni Tiara kong saan na andoon ang bata naka higa sa luma nilang kuna pero maayus pa naman ito para magamit ng sanggol.
Mahimbing pang natulog sila Tiara at lalong lalo na ang maamong bata. Hindi rin niya maiwasang mapa ngiti at mapa isip, “kong buhay palang siya, siguro may anak na rin kaming kaseng edad mo, mag-iisip kami ng pangalan kong lalaki ba siya o babae at minsan mag aaway kami kong sinu yung mag aalaga sa kanya. Mas gusto kong ako nalang mag alaga sa magiging anak namin, para naman hindi siya mapagod ng husto at ako naman yung aalagaan niya. Aalagaan niya kami pareho ng anak namin,” hindi niya inaasahan ang pag tulo naman ng luha niya dahil sa pag alala kay Eunice.
Hinayaan na lamang niyang tumulo ito na kahit paano mawala ang pighating naramdaman niya sa mga oras na ‘yun. Pero kahit na sinu hindi mapapalitan ang sakit at pag mamahal niya kay Eunice.
Kumilos ang sanggol na siya namang nagpa-alerto sa kanya para kunin ito at aluhin para ito’y maka tulog muli. Nang bumalik muli sa pag tulog ang bata, hindi na niya ito muling binitawan pa at pinagmasdan na lamang niya ito. Habang pinagmamasdan niya ito, may isang bagay siyang na pansin sanggol o iniisip lang niya masyado si Eunice.
Ang medyo kulot nitong maliit na buhok, ilong at mata halos kuhang kuha nito ng bata kay Eunice. Napansin din niyang may kaunti pa siyang pag ka hawig sanggol nung sanggol din siya nang maalala niya yung baby pictures niya.
“Hindi naman pwedeng mangyayare ‘yun,” bulala niya at sandaling pinaglaruan ni Dylan ang maliit na kamay ng sanggol.
“Bakit ka ba na punta sa amin? Saan ka ba galing? Sinu magulang mo?” Napangiti siya ng bahagya dahil alam niya na hindi naman siya sasagutin ng sanggol na himbing matulog at lalong hindi rin siya masagot nito dahil hindi naman pa ito makapag salita.
Nilapag na lang niya muli ang sanggol at tuluyan na siyang lumabas ng silid. Tumungo muli siya sa kanyang silid para makapag-ayus sa kanyang sarili ng ilang ora. Nang matapos siya doon ay agad siyang bumababa at pa tungo naman sa kusina.
Imbes na mga kasama lamang niya sa bahay ang makita, laking gulat niya na may mga bisita pala silang mga taga Swiss Clan, silang mga Swiss Clan ang mahilig sa mahika at pang hula sa mga bagay-bagay.
Napaharap ang lima nilang bisitang sila North, B, Cherry, Mari at Astra. Ngayun lang niya na pansin na ang tatlong babaeng kasama ng dalawang lalaki ay naka harap sa kargang sanggol ni Kenneth, “maging dahilan ng bagong away sa bawat angkan ang batang ito,” saad ni Astra na animoy parang ibang tao ang kanyang boses, may kulay berdeng usok din ang lumalabas sa kanyang bibig, nag-echo ang dalawang babae sa bawat sasabihin niya at pare-pareho silang nag kulay lilac ang mga mata.
“Anu bang nangyayare?” Doon lang din niya na pansin na siya at ang tatlo lamang ang kumikilos animoy huminto ang oras sa mga iba’t pang kasama niya doon sa kusina.
Napasulyap siya sa sahig na bumubuong usok na animoy baha na abot hanggang tuhod at ang malakas na pag iyak ng sanggol, “itigil ninyu yan!”
Lalapit na sana siya nang biglang humarap ng mabilis sila Cherry at Mari sa kanya na may nang lisik na mga mata kaya hindi niya na ituloy ang gagawin.
“Hindi ninyu mabago ang naka takda sa batang ito,” sabay-sabay nilang sabi at takang taka paren si Dylan kahit na ilang beses na niya nakita ang pang hula ng tatlo kakaiba naman ang nakita niya ngayun.
“Magpatuloy ang bagong away sa mga Otis at Jimenez dahil ang sanggol na ito ang nag-uugnay sa dalawang angkan. Pag-awayan ninyu ang sanggol na ito na siyang maging sanhi ng pag kamatay ng isa sa inyu. Maraming madamay sa sanggol na ito at marami pang mangyare hangga’t na andito siya.”
“Anu bang pinag sasabe ninyo? Tumigil na nga kayu!” Napasulyap muli siya sa bata na halos malunod na sa luha, “kawawa ang bata!”
“Wag kang maawa sa bata, maawa ka sarili mo at sa pamilya mong madamay. Ang sanggol na yan ang maging dahilan ng pag kawala ng isa sa inyu at hindi ninyu yun mapigilan kahit na pareho kayung na bubuhay ngayun.”
Napakunot noo si Dylan sa bawat salitang narinig niya ay animoy tumutusok sa kanyang dibdib para siya ay kabahan. Saka lang niya nakitang umabot na sa bewang niya ang kapal ng usok na kumakalat sa buong kusina. Hindi na siya pinansin pa ng tatlo at nag lakad naman pa tungo muli sa bata, “kailangan sa sanggol na ito ay patayin.”
Nag-atubiling itulak ni Dylan ang tatlo sahig nang marinig niya ang sinabe ng mga ito. Mabilis na lumabas ang usok na animoy may vacuum na humihigop, nang maka kilos at magising sa realidad sila B at North agad naman silang lumapit silang dalawa sa tatlong babaeng nasa sahig para gisingin. Kinuha naman ni Dylan ang bata kay Kenneth at pina alo.
Takang taka ang lahat kong anung nangyare, “lumayas kayu dito!”
Napasulyap silang lahat kay Dylan at hindi alam kong sinu ang pinapaalis, “paalisin ninyu ang mga taga Swiss Clan na yan dahil gusto nilang patayin ang bata!”
Lalo silang na gulat doon pero kahit na sinu ay walang maalala sa nangyare lalo na ang tatlong babaeng mang hula. Hingal na hingal ang binata sa galit at kaba niya.
“May nasabe ba kaming masamang pangitain?”
Tanung ni Astra na pinaka mababang babae sa lahat na mag kasama pero may mahaba itong buhok na abot hanggang bewang. Hinihintay nilang mag salita si Dylan pero hindi sumagot.
“Nakaramdam kami ng kakaibang bagay at inalam namin yun hanggang sa makarating kami sa bahay ninyu. Maniwala ka wala kaming naalala,” sabe naman ni Mari. “Pero naramdaman namin hanggang ngayun na may poot at galit ang magulang ng batang yan. Nilayu sa kanya ang bata at alam ko kayu ang una nilang papatayin pag nalaman nilang nasa inyu yan.”
Hindi naman maipinta ang mga mukha nila maliban kay Dylan na hindi na takot na lusubin sila.
‘Mag pa tuloy ang bagong away sa mga Otis at Jimenez dahil ang sanggol na ito ang nag uugnay sa dalawang angkan. Pag-awayan ninyu ang sanggol na ito na siyang maging sanhi ng pagkamatay ng isa sa inyu. Maraming madamay sa sanggol na ito at marami pang mangyare hangga’t na andito siya,’ pagkaka-aalala niya isa sa mga sinabe ng tatlo, ‘paanu naman na sama dito ang Jimenez?’