Chapter 4
“Hindi ito maari!” Sigaw at pagwawala ni Eunice nang malaman niya sa kanyang pag gising nawala ang kanyang ka isa-isang anak.
“Hindi ito pwede, ibalik ninyu sa ‘kin ang anak ko! Ibalik ninyu sa ‘kin!” Sigaw niya habang yakap-yakap siya ng kanyang inang si Luna. Ramdam na ramdam din ng ina ni Eunice ang naramdaman ng kanyang anak dahil alam niya kong paanu mawalan ng anak. Hindi niya mapigilan ang pagluha ka sabay ng pagluha ng kanya ring anak.
Nasaktan din siya sa pagkawala ng apo niya, pinagmamasdan din sila ng mga bantay doon at si Violet, “ibalik ninyu siya sa ‘kin,” paos na pagmamakaawa ni Eunice.
“Wag kang mag-alala hahanapin natin siya,” pagaalo ni Luna kay Eunice.
Sandali pa silang na ganung posisyun nang iwan na nila si Eunice dahil nakatulog ito sa kakaiyak.
Nakaupo silang lahat sa harap ng mahabang lamesang gawa sa matibay na kahoy. Pag-uusapan nila ang pagkawala nang biglaan ng apo niya, nakaupo si Luna sa kabisera at si Violet naman ay nakaupo sa kanang bahagi nito.
“Masyadong mabilis ang pangyayare, sa tingin ninyu tungkol saan ang pag ka wala ng anak ni Alanis?”
Walang sumasagot at walang gustong sumagot. Lahat sila walang alam kong paanu naka labas ng ganu’n na lamang ang kumuha sa apo niya. Natatakot sila na baka ‘pag magpaliwanag sila ay isa ang mamatay sa kanila ‘pag mali ang na isagot at masyadong mainitan ang ulo ngayun ni Luna sa mga nangyayare.
Magsalita pa sana si Luna nang bumukas ang pinto, pumasok sila Rain, Alice at si Alline ang pamilya Grace. “Magandang araw sa inyu mga Jimenez lalong lalo na sa ‘yo Luna,” ang bati ni Alice ang ina ni Alline.
Nagbulong-bulungan ang iilang na andoon at dahil sa biglang pagdating ng tatlong lider ng mga Grace. Sakto pang dumating ang mga ito sa pagkawala ng apo ni Luna.
“Anung maganda sa araw na ito, Alice?” Aniya naman ni Luna.
“Mukhang may problema si Luna, ina wag na nating itanung kong bakit.”
“May kinalaman ba kayu sa pag ka wala ng anak ni Alanis?” Walang takot na tanung ni Luna sa tatlo.
Pero walang makitang takot at pagtataka sa mga mukha nito, “bigla-bigla na lamang kayung darating dito. Hindi kayu ang kumuha sa apo ko."
Napangiti na lamang si Rain ang ama naman ni Alline, "Luna tayu na lamang angkan na nag kaka sundo gagawin pa ba namin yun sayu, syempre hindi. Kaya kami na andito eh dahil gusto ko, namin ng angkan ko makita ang bagong magmamana ng Jimenez. Pero imposible din na hindi rin namin agad malaman na nawawala ang iyong apo. Rinig sa buong gubat ang pag iyak niya nung lumabas siya, hindi namin naramdaman ang kanyang presensya at siguro dinala siya sa malayung lugar. Alam namin na wala kaming kasalanan sa pagkawala ng apo mo."
"Bakit kami agad, hindi kaya may kinalaman naman ang mga Otis dito?" Wika ni Alline na siya namang nag pa isip kay Luna at sa iilan pa maliban sa isa.
"Hindi ‘yan totoo," lahat sila ay napa sulyap kayu Violet na blangko ang mukha wala kang mabasang kahit na anu, "hindi sila pwedeng madamay dito, alam nilang patay na si Eunice at hindi niya alam na sinilang ang anak niya. Kaya imposible yang sinasabe ninyu tungkol sa Otis at lalong lalo na kay Dylan."
"Hindi naman kailangan ng opinyon mo, Violet. Maraming pwedeng maging ugat ng pag ka wala mo Luna, hindi mo ba iniisip kong hanggang ngayun eh tapat paren ang mga na sakupan mo? Marami sila at iisa ka lang. Wag ka nang magulat kong isa sa mga yan malaman mong siya pala ang may dahilan ng pag ka wala ng apo mo."
"Anung ibig mong sabihin, Alline?"
“Ang ibig sabihin lamang ng anak ko Luna, mag-ingat ka sa mga taong nak paligid sa ‘yo dito at baka dati ka na pala gustong saksakin sa likod kumukuha lang sila ng tyempo," aniya ni Rain.
Tumahimik na lamang ang grupo ni Luna, “tutulong kami sa pag hahanap sa apo mo.”
“Maraming salamat kong ganun man,” wika ni Luna at tumayo na siya na nagpapahiwatig na tapos na ang pagpupulong na yun at sumunod naman si Violet sa kanyang likod hanggang sa maka labas sila sa silid na yun. “Kailangan nating unahin ang mga Otis.”
“Anu?” Gulat na gulat naman si Violet.
“Akala ko ba hindi nila pwedeng malaman ang tungkol sa buhay pa si Eunice at ang kanilang anak. Pero ikaw lang din pala ang mag papahamak sarili mong sikreto. Kailangan nating mag ingat Luna, kahit ang mga Grace at iba pa hindi mo pwedeng pag ka tiwalaan sa malaking bagay na ito.”
Huminto si Luna at humarap kay Violet nasa likod niya, “kahit ikaw hindi ko pwedeng pagkakatiwalaan?”
Umiling si Violet at saka ngumiti, “hindi ako kasama sa mga taong yun at ako ang pwedeng pwede mong pagkakatiwalaan sa lahat,” saad ng dalaga at walang mabakas sa kanyang mukha ang pag bibiro.
Nakahinga ng maluwag si Luna, “maraming salamat at para na ring anak ang turing ko sa ‘yo.”
Nawala ang kanilang mga ngiti sa mukha nang marinig nila ang isang bantay na papatakbong lumapit sa kanila.
“Nawawala din po si Alanis sa kanyang kwarto!”
Napatakbo na sila pareho papuntang silid ni Eunice para tignan kong totoo ito. Nang makita nilang bukas ang pinto, may tali sa isang bakal ng bintana na gawa sa mga pinag kabit-kabit na damit at kumot alam na nilang totoo ang sinabe ng bantay. Lalo na gulo-gulo ang loob ng silid, doon naman naramdaman ni Luna ang poot naramdaman niya noon at takot.
Bumalik naman sa kanya ang lahat nang mawala si Eunice noon at ka sabay pa ito ng pagkawala ng apo niya ngayun.
“Maulit na naman ba ang lahat?” Hindi makapaniwalang tanung ni Luna sa kanyang sarili habang nakatingin sa kawalan.
“Hindi, gusto lang niyang kumilos para mahanap ang anak niya.”
“Pero hindi pa siya handa lumabas sa mundong ito lalo na’t wala pa siyang naalala, paanu kong---”
“Wag kang mag alala, hahanapin ko siya.”
Sabi nito ngunit hindi pa rin mawala ang pag-aalala sa bawat isa. Takot at kaba ang unang nararamdaman nila dahil sa gulong nangyayari. Hindi nila alam kong hanggang kailan ang laban na 'to.