“Fara, kakain na raw tayo.” Saglit na nilingon ni Fara ang kaibigang si Jessa at saka tipid na tinanguan lang ito. Bumuntong-hininga siya bago tuluyang tumayo mula sa banig na kanyang kinauupuan. Nasa gitna kasi siya ng palayan at binabantayan ang mga nakabilad na mga mais para hindi tukain ng mga manok. Pinagpag niya muna ang kanyang pantalon bago tuluyang sumunod kay Jessa papunta sa kubong tinatambayan nila. Napangiwi pa siya sa init habang naglalakad. Tirik na tirik kasi ang ara at kahit na naka-longsleeves siya ay damang dama niya pa rin ang tagos ng init sa kanyang balat. Itinakip niya na nga ang mga kamay sa kanyang ulo habang naglalakad sila. Bumungad pa sa kanila ang kumpulan ng mga kasama nilang nagsisiksikan na rin talaga sa may kubo. “Gosh! Patapos na naman