“You ready?” nakangiting tanong ni Landy kay Fara. Tipid na nginitian lang ito ni Fara at saka marahang tumango. Bumuntong-hininga siya at saka inayos ang dala niyang tote bag. “Mag-ingat kayo, Fara.” Rinig niyang sambit ng nanay niya na kasalukuyang nag-aayos ng gma pinaglutuan nila kanina. “Opo, nay,” sagot niya naman. Lunes ngayon at enrollment niya kaya hindi na muna siya pumuntang bukid. Maging si Landy ay hindi nga rin pumunta sa bukid para samahan siya. Hindi niya alam kung paano ito nagpaalam at pinayagan ito. Hindi na lang din niya ito tinanong at hinayaan na lang itong sumama. Ang mga kababata niya ay mamaya pa rawng hapon pupunta kaya hindi sila magkasama ng mga ito. Ayaw niya kasing hapon pumunta dahil nakakatamad na iyon kaya nagdesisyon na lang siya n