“Landy, ano ba!” Mabilis na sinamaan ng tingin ni Fara ang magaling niyang nobyo nang ninakawan siya nito ng halik sa pisngi. Tumawa lang naman ito at saka sumalampak ng upo sa kanyang tabi. Nasa loob sila ng pahingahang kubo at naghihiwa siya ng kalabasang rekados para sa tanghalian. Mabuti na lang talaga at lumabas muna sina Reina at Jessa para kumuha ng panggatong para sa lulutuin nila mamaya. Bahagya pa siyang napaigtin nang bigla siya nitong yakapin. Itinabi niya ang kutsilyo at binalingan ito. “Ang kulit-kulit mo,” sabi niya rito. Humigpit lang ang yakap nito sa kanya. Napabuntong-hininga pa siya nang maramdaman ang pagbaon ng mukha nito sa kanyang kaliwang balikat. Nakagat niya na lang ang kanyang labi nang maramdaman ang kanyang pisnging nag-iinit. Ilang li