Hindi agad nakapagsalita si Fara. Nanatiling nakatulala siya kay Landy. Hindi rin naman inalis ni Landy ang tingin nito sa kanya. Grabe ang t***k ng kanyang puso ng mga oras na iyon. Ramdam niya pa ang panlalamig ng kanyang buong katawan habang nakatitig sila sa isa’t isa. Ilang sandali pa ay si Landy ang bumuntong hininga. Tinanggal nito ang pagkakahawak sa kanyang mga kamay. Bahagya itong lumayo sa kanya at saka tipid na ngumiti pa. “Hey, don’t be pressured. I wasn’t asking. I just want to tell you.” Ngumiti ito sa kanya. Siya naman ang huminga nang malalim at saka ngumuso. Nagkibit-balikat siya. “Hmm ikaw…” Mas ngumiti si Landy sa kanya. Tumingin si Landy sa relong nasa bisig nito. Pinagpag pa nito ang shorts bago ito tumayo. Naglahad ito ng kamay sa kanya. “Let’s