Hindi mapakali si Fara habang naghihintay sa kanilang bahay. Iginala niya ang kanyang mga tingin sa buong paligid. ‘Ano ba iyan, bakit ang tagal ni Bel?!’ Kanina pa siya pabalik-balik ng lakad dito sa loob ng bahay nila. Pambihira nga naman. Birthday na birthday niya at nasa Punta beach na ang lahat ng mga kababata at kaibigan nila pwera siya na birthday girl. Ewan din ba niya kung bakit siya pumayag sa mga pakulo ni Bel na maiwan sila muna at paunahin na ang mga kasama nila. Napapadyak na lang siya sa sobrang pagkainip. Bumuga siya ng hininga at saka pabagsak na umupo sa kanilang upuan. Tiningnan niya ang kanyang cell phone na nasa kanyang tabi. Napangiwi na lang siya nang wala namang text iyon galing kay Bel. Ni hindi niya alam kung saan na naman nagsusuot iyong si Bel