“Fara!” Halos maitakip ni Fara ang kanyang mga kamay sa kanyang tenga sa ingay ng mga kaibigan niya. Kahit malayo pa ang mga ito ay sobrang lakas pa rin ng mga boses nito. Linggo ngayon at nasa labas lang siya ng bahay nila habang nagbabalat ng mga indian mango. Kunot na kunot ang kanyang noo habang nakatingin kina Jessa, Nora at Rose na nakatukod ang mga kamay sa tuhod at kapwa hinahabol ang mga hininga. Napailing na lamang siya. “Bakit kasi kayo tumatakbo? Kung makasigaw pa kayo para kayong mawawalan ng mga boses. Kala niyo naman may sunog,” sabi niya sa mga ito at bahagyang natawa pa. Halos sabay pang nag-angat ng tingin ng mga ito sa kanya. Sumimangot si Rose at saka naunang tumabi sa kanya. Sumunod naman ang dalawa na sa tapat naman nila umupo. Pumangalumbaba si Jes