Chapter 6

1954 Words

“Oh, sigurado ka bang okay ka lang na sa plaza ka?” tanong ni Eba kay Fara na agad namang kumunot ang noo. “Ha? Okay naman po, Ate. Bakit naman?” tanong pa ni Fara. Nagkibit-balikat naman si Eba. “Wala lang baka kasi hindi ka lang komportableng makasama si Landy. Alam mo naman yung mga kasama mo di ba?” tanong nito sa kanya. Ngumuso lang siya at saka sumimangot. Naalala na naman niya ang nangyari kagabi. Napasimangot na lamang siya. Nasa mansyon siya ngayon kasama si Eba. Humingi kasi ito ng tulong sa kanya para sa mga gagawin sa pista. Bumuntong – hininga na lang siya at inilibot ang tingin sa buong kabahayan. Silang dalawa lang ang nandoon kaya sobrang tahimik. “Wala po ba ang ibang kasambahay, ate? Bakit tayo lang yatang dalawa?” tanong niya sa halip na sagutin ang tanong ni Eba.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD