Hindi bumaba si Fara para maghapunan nang gabing iyon kahit na kinukulit siya ni Dee para bumaba. Nagdahilan na lamang siya na masama ang kanyang pakiramdam. Hindi na rin naman nagtanong pa si Dee at bumaba na lamang ito. Alam niyang hindi ito na-convince sa excuse niya pero nagpapasalamat na lang siya na hindi na rin naman ito nagtanong pa. Hinintay niya lang muna ang anak at binihisan na ito saka sila natulog dalawa. Kinabukasan, ganoon pa rin naman ang kanyang nagging gising. Tahimik na hinanda niya lang si Dee tapos ay siya na rin. “Dee, mauna ka na sa baba at kumain ka na roon,” aniya rito nang handa na ito at naghihintay na lamang sa kanya. Agad na tumingin sa kanya ang anak niya. “Ikaw po mama?” tanong pa nito. Hindi siya sumagot agad at nag-iwas lang ng tingin.