Hindi maintindihan ni Fara ang kakaibang kaba na bumalot sa kanyang buong pagkatao habang nakikipagtitigan sa pinsan ni Dylan. “Would you mind if we have a little talk, Farabelle?” nakangiting sambit nito sa kanya. Huminga siya nang malalim at napalunok. “Uhm, sorry. Working hours ko kasi ngayon…” nag-aalangang sabi niya pa. Ipinagkuros nito ang mga braso nito. “Hmm. Can’t you spare me a minute, please?” Nag-make face pa ito sa kanya. Mas lalo siyang kinabahan. Iba talaga ang kanyang pakiramdam sa babae. Hindi niya alam pero nararamdaman niyang bad move ang sumama siya rito. Kitang ktia naman kasi sa mukha nitong hindi naman totoo ang ipinapakita nitong mga ngiti. All she could see is the sarcasm on her face. Humugot ulit siya ng malalim na hininga at ikinalat ang k