Sapo – sapo ni Fara ang kanyang ulo nang magising siya. Linggo noon at nag-all nighter siya kagabi. Marami kasi siyang naging backlog nitong mga nakaraang araw dahil sa tuwing nasa opisina siya ay natutulala na lang siya sa kawalan. Ang ending tuloy ay halos wala siyang matapos – tapos. Sinisita na nga siya ng supervisor niya at tinatanong kung okay lang ba talaga siya. Kaya naman tinapos niya na ang mga trabaho kagabi at nang wala na siyang backlog pa. Ayaw niya namang maapektuhan ng mga nangyayari sa kanya. Pakiramdam niya ay nasa isang hawla siya at wala siyang magawa kundi ang maglakad lang sa mga espasyo na naroon. Paikot-ikot, walang ibang magawa. Iyong pakiramdam na ang dami-dami mong gustong gawin pero hindi mo magawa dahil nakakulong ka sa isang sitwasyon at hindi mo alam kung ano