Chapter 18

2081 Words

“I’m getting nervous here,” mahinang sabi ni Landy kay Fara pagkaupong pagkaupo nila sa malalaking bato na nasa gilid ng malaking tabay ng Sandayong.   Bahagyang natawa pa siya habang nakatingin sa mukha ng lalaki. Bumuntong-hininga siya at saka umiling. Umayos siya ng upo at hinarap ang katawan sa lalaki. Magkatabi kasi ang mga bato kaya magkatabi rin sila. Ipinagkuros ni Landy ang dalawang mga braso at saka siya kinunutan ng noo.   Huminga siya nang malalim at inilapat ang dalawang kamay sa kanyang mga hita. Diretso ang tingin niya kay Landy na gulong-gulo pa rin sa kung anong gusto niyang sabihin. Kinagat niya ang kanyang labi.   “Uhm tungkol sana sa set up natin…” panimula niya.   Umayos ng upo si Landy at mas nagsalubong ang mga kilay.   “Uhuh. What about it?” tanong nito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD