“Bye, Fara!” “Bye! Bukas ulit!” Kumaway at ngumiti si Fara sa mga kaibigan habang paalis sila ng bukid. Kasabay niya si Landy kagaya ng dati. Ang mga kapatid niya naman ay nauna na sa kanya. Padilim na rin halos ang paligid. Medyo natagalan lang naman siya dahil kinailangan nilang mag-stay pa sa manggahan kanina. Natagalan din kasi sila sa pag-aayos ng mga mais kaya ito at medyo madilim na siyang nakauwi. Buti na nga lang at hinintay siya ni Landy. Tipid siyang ngumiti at binalingan ang lalaki. “Thank you sa paghatid,” aniya rito. Marahang tumawa si Landy at tiningnan siya. “Of course, Fara. For you.” Kumindat ito at sa kanya tsaka inayos ang bag niya na dala nito. Ngumuso siya at natawa na rin. Nailing siya at napatingin sa tatlong rosas na hawak niya. Kahit na anon