Hindi mapakali si Fara Paroon at parito siyang naglalakad sa CR ng eskwelahan ni Dee habang hawak-hawak ang kanyang cell phone. Natigil siya sa paglalakad at napatukod na lamang sa sink. Gaya noong isang araw ay sinamahan niya ulit si Dee. Hinding hindi na niya ito iniwan. Ilanga raw din naman ang kanyang pinaalam na sick leave. Tinawagan pa nga siya ng HR para kumustahin dahil ito ang unang beses na nag-leave siya sa tagal na ng kanyang trabaho. Nasasayangan kasi siya sweldo at oras kaya naman sinisikap niyang hindi talaga mag-leave o um-absent. Sa kabutihang palad naman ay hindi rin naman siya nagkakasakit o ano pa man. Mukhang timing talaga at nagamit niya na ang sick- leave ngayon. Huminga siya nang malalim at muling tiningnan ang kanyang cell phone kung saan naka-flash ang isang