Chapter 41

1940 Words

Tulalang nakatingin sa kawalan si Fara habang hinahagod ang buhok ng natutulog niyang anak sa kanyang tabi. Huminga siya nang malalim at saka tiningnan ang paligid ng bago nilang kwarto. Sobrang laki noon na tingin niya ay kasya ang dalawang kwarto nila ni Dee sa apartment nila. Minimalistic ang style ng kwarto at pinaghalong mga natural colors ang mga kulay ng kurtina, dingding at iba pang mga gamit. May dalawang malalaking halamang naka-vase sa sulok tabi ng pintuan at sa may sulok na bintana.   Sumikat na ang araw at tinatamaan na sila ng sinag nito. Tulog na tulog pa rin si Dee. Hindi na lang muna niya ito ginising dahil alam niyang napagod ito nang husto sa mga pangyayari kagabi. Iyak kasi ito nang iyak nang paalis na sila ng apartment. Gusto nga sana nitong doon na muna sila matul

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD