Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Fara habang nakatitig sa kanyang kape. Kinuha niya iyon at saka ininuman. “Hoy, te, tulala ka na naman.” Dinig niyang sabi pa ni Jia sa kanya na kasalukuyang nagtitimpla rin ng kape. Nasa pantry sila dahil break nila. Inaantok pa rin siya dahil halos isang oras lang ang naging tulog niya kagabi kaya nagkape muna siya. “Ano na namang nangyari? Nako naman, Fara, ikaw na yata ang pinakasikat na empleyado rito. Iyong buhay mo pang teleserye talaga, te. Ikaw na,” dagdag pa nito at inilingan siya. Bahagya siyang umirap at napailing na lang din. Ipinagkuros niya ang kanyang mga hita at tinuloy ang pag-inom niya sa kanyang kape. Huminga siya nang malalim. Hindi niya sinagot si Jia. Lumipad na naman ang kanyang isip sa nangyari kagabi. Sigurado siy