“Ihahatid ko lang namin ni Dee then we’ll go to the camp to enroll,” sabi ni Dylan kay Farai sang umaga habang nag-aagahan sila. Walang klase si Dee ngayon dahil may school event daw ang mga teachers. “Wala kang pasok? I mean, hindi ka ba busy?” kagat-labing tanong niya naman dito. Muntik na niyang masapok ang kanyang sarili. Kung bakit ba kasi niya tinanong pa iyon. “I decided not to go to work,” sagot ni Dylan sa kanya. Napanguso na lang siya at tumango na lang din. Itinuon niya na lang ang kanyang atensyon sa kanyang pagkain. Napapansin niyang nitong mga nakaraang araw ay hindi na ito pumapasok at palagi pa nitong kasama si Dee. Parang ang laki talaga ng ibinago nito dahil parang mas nagging close pa ito at ang anak niya. Dapat iniisip niyang pinapakitunguhan lang nito si