Hindi mapakali si Fara nang sumunod na umaga. Nag-aalala siya kay Dylan mula pa kagabi pero pagkatapos ng pag-uusap nila sa opisina ay na naman niya kayang harapin pa ang lalaki. Sinubukan niya naman pero sa tuwing tatanungin naman siya nito kung anong problema, umuurong naman ang dila niya. Ay ewan na lang talaga niya. Nakagat niya ang kanyang labi habang nakatingin sa kwarto ng binata na ilang metro lang din ang layo mula sa kanila. Tinutulungan ng isang kasambahay si Dee ngayon sa mga gamit nito at nauna muna siya rito sa labas. Gusto niya sanang puntahan si Dylan pero nahihiya naman siya at saka ano naman ang sasabihin niya kung sakali? Baka mamaya ay hindi na naman siya makapagsalita. Tsaka ni hindi niya naman alam kung nasa kwarto pa ito since kadalasan ay maaga talaga iton