Naalimpungatan si Fara nang maramdaman ang paggalaw ng isang paa sa kanyang binti. Naramdaman niya rin ang isang kamay na pumulupot sa kanyang bewang. Ikinurap-kurap niya ang kanyang mga mata at saka marahang bumangon. Medyo nahirapan pa siyang bumangon kasi may nakapulupot na binti at kamay na nakapulupot sa kanya. Kumunot ang kanyang noo at tiningnan ang kanyang katabi. Bumungad sa kanya ang natutulog na mukha ni Dylan. Nakita niya pa ang kamay at binti nito na nakadantay nga sa kanya. Bumuntong-hininga siya at itinapat ang isang kamay niya sa leeg at noo nito. Nakahinga siya nang maluwag nang maramdamang bumaba na ang lagnat nito. Medyo uminit na nga rin sa kwarto at sobrang pawis na nito dahil nakapatay iyong aircon. Bahagya siyang umayos ng upo at inabot ang remote sa gilid.