Tulog na tulog na si Dee pagkarating nila sa bahay kaya pinadala na agad ito ni Dylan sa kanilang kwarto. Nakita niya namang dumiretso na ang lalaki sa opisina nito. Bumuntong-hininga siya at sa halip na sumunod sa anak niya ay nagdesisyon siyang sumunod kay Dylan. She just really needs to be clarified of something. She needed to be clarified of what is happening dahil sa totoo lang ay buhol-buhol na talaga ang kanyang utak at hindi na niya alam kung ano ba ang mangyayari sa kanila at kung ano bai tong pinasok niya. “Dylan,” tawag niya rito pagkapasok niya sa opisina nito. Bahagya pa siyang nailang nang tawagin ang pangalan nito. Hindi kasi talaga siya sanay na tinatawag ito sa pangalan nito ngayon. Ewan ba niya, siguro ay nasanay siya sa Landy bilang iyon naman talaga ang pakila