Chapter 44

1625 Words

Hawak-hawak ni Fara ang kamay ni Dee habang papasok sila sa isang VIP area ng restaurant. Nasa unahan nila si Dylan habang silang dalawa ng anak niya ay nakasunod lang at kapwa nakayuko. Napalunok pa siya nang makita ang isang long table at mga hindi pamilyar na mukhang nakaupo roon. May apat na lalaking hula niya ay mga nasa mid-fifties na kasama ng mga ito ang apat na mga babaeng pa-early fifties naman sa tingin niya. May dalawang babaeng medyo bata pa at isang lalaking mukhang teenager pa yata.   ‘Ito ba ang mga kamag-anak niya?’   Huminga siya nang malalim at hinigpitan ang hawak sa kanyang anak. Ramdam na ramdam niya ang mga titig na ipinupukol ng mga ito sa kanya. Kung nakakamatay nga lang ang mga titig ay baka kanina pa sila humandusay. Halata namang hindi sila gusto ng mga it

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD