“Class dismissed.” Mabilis na tinipon ni Fara ang kanyang mga gamit at sinukbit ang kanyang bag. “Bye, Fara!” Tipid na nginitian niya lang ang isang kaklase bago siya tuluyang naglakad palabas ng kanilang classroom. Pinanatili niya ang kanyang tingin sa ibaba habang palabas siya ng building. Napatingin pa siya sa kanyang cell phone. Maaga pa pero kahit na ganoon ay nagmamadali pa rin siya sa paglalakad. Biyernes kasi ngayon at ayaw niya namang ma-stuck sa traffic dahil uuwi siya ngayon ng Jagbuaya kasama si Wayven. Bumuntong-hininga na lang siya nang maramdaman ang mga titig ng kanyang mga school mates sa kanya. Pinanatili niya na lang ang tingin sa ibaba. It’s the second semester of her final year in college. Pagkatapos nito, makakagraduate na rin siya. Irregular student siya