Walang pagsidlan ang saya ng puso ni Fara pagkatapos ng selebrasyon nila ng graduation niya. Iyon lang naman ang hinihintay niyang sabihin ng tatay niya. Iyon lang naman talaga ang gusto niya, ang maging proud ang kanyang ama at kanyang pamilya sa kanya. Napangiti na lamang siya habang nakatitig sa kanyang ama at anak na nagkukulitan. Nasa sala sila ngayong lahat at nanonood sa kanilang maliit na TV. Katatapos lang nilang maghapunan at ganoong daw talaga ang routine ng mga ito bago patulugin si Dee. Unti-unti na rin naman niya iyong na-aadapt. Pangatlong araw na mula noong umuwi sila ni Bel. Dalawang linggo pa naman bago talga siya magsimula ng trabaho niya sa Legaspi Food Inc. kaya nagbakasyon na muna siya rito. “Ayan na, ayan na! Ay!” Nagtawanan silang lahat nang mabilis n