“Dee! Tapos ka na ba? Mali-late ka na,” tawag ni Fara habang naghahanda na ng breakfast nila ng anak. Napatingin siya sa kanyang wristwatch para sa oras tapos ay muling binalingan ang kwarto ni Dee. Ilang segundo pa ay bumukas na rin iyon at lumabas doon si Dee na nakahanda na at sukbit na ang bag nito sa likod. Ngumiti siya at sinenyasan itong lumapit. “Na-prepare ko na baon mo. Kumain ka muna at uminom ng gatas,” aniya. Agad namang sumunod si Dee sa kanya at umupo ito sa upuan at tahimik na kumain. Napangiti na lang siya habang tinitingnan ang anak. Nailing siya at iniwan muna ito para kunin ang iba niyang gamit sa kwarto niya. Nang makuha niya na ang mga iyon ay bumalik siya sa labas. Sinabayan niya na rin ang kanyang anak sa pagkain. “Okay, so dating gawi tayo ngayo