“Bye! Bye people of the earth!” Muntik nang matampal ni Fara ang kapatid na si Bel dahil sa kaingayan nito. “Aray naman, ate!” daing pa nito nang sikuhin niya sa may braso. Pinanlakihan niya ito ng mata. “Ang ingay mo. Madaling araw pa lang, o. Magigising ang mga kapit-bahay natin.” “Tss. Hoy, Bel! Wag kang masyadong pasaway kay Ate Fara roon. Nakakahiya ka,” sabat pa ni Miguel na agad na pinaningkitan ni Bel. “Wow! Makaano ka ha! Excuse me, mas matanda ako sa’yo!” Umirap pa ito. Nasapo na lamang ni Fara ang kanyang noo at napailing na lamang. “John, pakilagay na lang ng ibang gamit sa likod ng kotse, please,” baling niya na lamang sa kanyang bunsong kapatid. Mag-aalas singko pa lang ng umaga at ito na sila, nakahanda na para sa pagbalik nila sa Maynila. Ilang a