Chapter 59

1430 Words

“Ano na nga iyong pinag-usapan niyo ni Tatay?” Kinagat ni Fara ang kanyang labi at tiningala si Dylan.   Ngumisi lang naman ang lalaki sa kanya at ginulo ang buhok niya. Sinimangutan niya ito. Nasa kawayang upuan sila sa labas ng bahay nila. Magkatabi sila tapos ay nakayakap siya sa dibdib ni Dylan. Iniwas niya ang tingin at isinandal ulit ang pisngi sa dibdib nito.   “Bakit kasi ayaw mong sabihin? Okay lang ba talaga? Paano mo naayos? Ayos na ba talaga? Anong pinag-usapan niyo? Nakakainis naman,e,” palatak niya rito. Marahang tumawa naman si Dylan at hindi na naman siya sinagot. Napasinghap na lamang siya sa inis at agad na lumayo kay Dylan.   Sinamaan niya ng tingin ang lalaki. Agad naman itong napabalikwas ng upo at kinunutan siya ng noo. “What?” takang tanong pa nito sa kanya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD