“Excited ka?” nakangiting tanong ni Fara kay Dee na nasa kanyang tabi. Abot-tengang ngumiti naman ito at sunod-sunod na tumango. “Opo!” masayang sagot nito at nag-giggle pa. Bahagya siyang natawa at napailing na lang dito. Ginulo niya ang buhok nito at hinapit ito ng yakap. “Ayaw mo bang matulog?” tanong niya pa rito. Ngumuso lang si Dee at agad na umiling. Kumawala pa ito sa kanya at lumipat sa ama nitong nakaupo sa kanilang tapat. Bumuntong- hininga na lang si Fara at sumandal sa backrest ng sofang inuupuan. Sakay na sila ng private jet ng mga Deogracia. Nang sabihin ni Dylan sa kanya na uuwi silang Cebu ay wala na rin itong sinayang na oras pa. Dire-diretso ang naging lakad nila papunta sa helipad ng opisina ng mga Deogracia. Grabe nga ang naging titig ng mga empleya