Humigpit ang kapit ni Fara sa kamay ng anak na hawak niya sa kaliwang kamay niya. Naramdaman din naman niya ang pagpisil ni Dylan sa kanyang kanang kamay. Nilingon niya ang lalaki at tipid na nginitian ito. Huminga siya nang malalim. Nasa opisina sila ni Dylan at kapwa nakaupo sa receiving sofa nito. Napatigil pa siya nang bigla nilang marinig ang pagbukas ng pinto. Bumungad sa kanila ang tatlong matatandang lalaki at iyong dalawang babaeng pinsan ni Dylan na nandoon din noong dinner nila. Wala iyong tatlong matatandang babae at iyong teenager na pinsan ni Dylan. Agad niyang iniwas ang tingin niya kay Dienara. “Dylan,” ani ng matandang kalbo na siyang nauuna sa mga ito. Nasa gilid naman ang dalawang pinsan ni Dylan na kapwa matataray ang tingin sa kanya. Tumayo sila ni Dylan. Aga