“Good morning!” nakangiting bungad ni Dylan pagkabukas na pagkabukas ni Fara ng kanyang mga mata. Nakangisi pa ang lalaki habang hinahagod ang kanyang braso. Nakaharap sila sa isa’t isa. Nakatukod ang siko ni Dylan sa may unan at nakasuporta naman ang kamay nito sa gilid ng ulo nito habang nakatingin sa kanya. Nakadapa naman ang katawan ni Fara at ang mukha lang niya ang nakaharap sa lalaki. Napakurap-kurap pa siya para i-adjust ang kanyang mga sa ilaw. Bahagya siyang bumangon at tiningnan ang glass na bintana sa likuran ni Dylan. Doon niya nakitang sobrang sikat na pala ng araw. Agad siyang umayos ng upo at saka iniayos din ang comforter na nakabalot sa hubad niyang katawan. Kunot-noong bumangon din si Dylan at tiningnan siya. Naka-boxers na ito at prenteng ibinibilad sa ka