(JANNA SANTOS' POINT OF VIEW) DALAWANG araw na kami dito sa Island na ito pero walang pansinan na nagaganap sa aming dalawa. Hindi niya ako iniimik at parang gusto niyang mag-kanya kaniya na lang kami dito. Paano kami makakaalis dito kung ganiyan siya? Brat talaga ang loko. Kinuha ko ang phone ko tuluyan na siyang namatay. Wala ng kinabukasan, gusto ko ng makabalik gusto kong malaman kung anong ginawa nila kay Liquid, kung kamusta na si Timothy at ayokori ng makasama si Ice. Nagkakahugutan lang kami dito tapos pag sinasabi kong wala ng pag-asa ayan siya magagalit. Napasandal na lang ako sa puno habang hinihintay siya na makahuli ng isda na kakainin naming dalawa. Nakakahuli na siya ng dalawa, pero dodoblehin na ata niya para 'di na kami manghuli pagdating ng gabi. Naubos na kasi yung