(THIRD PERSON'S POINT OF VIEW) SAMANTALA sa kabilang dako ng isla naman. Nagkatipon tipon ang lahat ng may pakana sa lobby area ng hotel. May nangyari kasi kagabi na hindi nila inaasahan kaya lahat sila kinakabahan. Nakawala na si Liquid sa kanilang pag-kidnap dito. Nagalit ito sa ginawa nila kay Janna at Ice dahil sa sobrang childish daw ng naisip nilang plano naniniwala si Liquid na hindi na babalikan ni Janna si Ice pero natatakot rin siya dahil alam niyang malalim ang pinagsamahan ng dalawa. Hindi ako papayag na mawala ang pinaghirapan ko. Iyon na lang ang naisip ni Liquid habang nakatingin siya sa mga kasama niya. "Kukunin na natin si Janna sa isla na iyon," seryosong saad ni Liquid sa kanila, he slapped the table hard to show authority to those people.. Nag-urungan ang mga dila n