Dinner na ng magkita kami ni Jake. Nasa study room lang siya maghapon habang nagba-bonding kami ng mama niya. Naalala ko bigla ang sinabi niya sa'kin kaninang umaga. Sincere ba siya ng sinabi niya 'yon? O sinabi lang niya na mahal niya ako upang pigilan ako sa pag-alis. Bumuntong hininga ako. "Bakit, hija, ayaw mo ba sa mga pagkain?" tanong ng mommy niya. Nakatulala na siguro ng matagal at hindi ko ginagalaw ang pagkain ko. "Gusto po, mommy," sagot ko at sinimulan ko ng kumain. Tinignan ako ni Jake na tila nahihiwagaan sa pagkatulala ko. Nasa kuwarto na kami pero si Jake ay seryoso lang habang pinagmamasdan ako. "Any problem, Mr. Capistrano?" tanong ko sa kaniya. "Are you planning on leaving me again?" he asked out of nowhere. Kinunotan ko siya ng noo. Tinigil ko ang pagsusu