Wala akong gana na mag-almusal pero dahil kailangan kong kumain para kay baby ay pinilit kong kumain. Panay din ang buntong hininga ko na siyang nakakuha ng atensyon ng mommy ni Jake. Wala si Jake ng magising ako kung kaya naman matamlay ako. Sabi niya on leave siya para magkasama kami ng ilang araw pero heto ang aga niyang umalis at hindi man lang ako ginising. "Ako din ng bagong kasal kami ng daddy ni Jake, wala akong gana kumain mag-isa. Hinihintay ko pa talaga siya. At lumala pa ng pinagbuntis ko na siya. Minu-minuto namimis ko siya," kuwento ng mommy ni Jake. "Ganito pala ang magbuntis, namimis ko na po siya agad." Kuwento ko at hindi na ako nahihiya sa mommy niya dahil pakiramdam ko nanay ko na din siya. Ngumiti siya at inabot ang kamay ko. "Ilang oras lang naman na hindi m

