Nilunok ko ang bara sa aking lalamunan. Nanlalabo ang aking mga mata habang nakatuon ang tingin ko sa harap, sa daan. At partikular sa itim na Rolls Royce na sasakyan na sinusundan namin. Ang sasakyan ni Jake na minamaneho niya kasama ang isang babae. Ano pa nga ba ang maaring eksplanasyon para rito. Kung si Jake mismo hindi man lang magawang magreply sa aking messages at heto siya busy sa ibang babae. Nasasaktan na ako. Tingin ko hindi na namin kailangan pang sundan kung saan sila pupunta. Hindi na niya kailangang magpaliwanag at hindi ko na din pa gustong marinig ang paliwanag niya kung sakali man. Ang alam ko lang sa mga oras na ito ay, tiniis niya ako, niloko niya ako. Nagsasaya siya at magsa-suffer na naman ako sa isang matinding heartbreak. "Iliko mo na, Rachelle. Huwag mo na