Biglang nagliwanag ang isang part ng dingding at may nag-play na vtr. Kaya naman napatigil ako sa paglalakad at paghanap kung nasaan sila Michelle ngayon. Ako ang nasa video, ako na naglalakad noong first year high school ako sa school campus. First day of school ito noon, nakasuot ako ng baby blue nippe dress na above the knee at wedge. Nakalugay ang buhok ko at sumasayaw ito sa hangin kasabay ng aking paglalakad. May music na nag-play kasabay ng video na nagpe-play. Samu't-sari ang emosyon na nararamdaman ko habang naririnig ang background music kasabay ng nagpe-play na vtr. This couldn't be, right? Hindi ko matanggal ang tingin ko sa screen. I wanted to confirm kung tama ba ang naiisip ko ngayon. Hanggang sa marinig ko ang pamilyar na boses. "Pumunta kami ng school that time p