Tinignan ko si Jake na nakaluhod sa harapan ko. Nakangiti ako habang sinusuot niya ang singsing sa aking ring finger. Napakaseryoso ng kaniyang mukha, tiningala niya ako habang hinahalikan ang aking daliri na may suot ng singsing. Ngumiti siya at tumayo, niyakap niya ako ng mahigpit. Napangiti ako at yumakap din. Nailing ako ng maalala ko na hindi man lang niya hinintay ang sagot ko bago niya isuot ang singsing sa akin. Inangat niya ako habang yakap pa din. Tumatawa ako, pakiramdam ko ay parehas kami ng nararamdaman ngayon. Pagkababa niya sa akin ay agad siyang sumigaw ng 'yes!' Biglang naglabasan ang iba naming mga kaibigan at naghiyawan. "Woooh! Congrats," sigaw nila at lumapit na sa amin. Kumpleto sila. At dito ko naalala kung paano nila ako pinagkaisahan ngayong araw. "Grabe k