"Ano, hahayaan mo na lang ba ang kapatid mo doon? She's pregnant, dude," pakiusap ko kay Gelo, ang kapatid ni Angel. Isang araw ng nasa poder ng mommy nila si Angel. Kinuha siya kahapon sa bahay ng sapilitan at wala akong nagawa ng harangan ako ng maraming bodyguard. Hindi ako nakatulog kakaisip. Sinundan ko pa sila pero wala din akong nagawa dahil bantay sarado ang buong bahay nila ng mga tauhan ng mommy niya. Bumuntong hininga ako, sumasakit na din ang ulo ko sa kakaisip. Baka umiiyak na siya at hindi kumakain. Makakasama sa kaniya ang stress lalo na at kailan lang naospital siya sa dinulot kong stress sa kaniya. Nakaupo lang si Gelo sa kaniyang swivel chair at tila kampante. Sinadya ko siya ngayong araw para makipagtulungan na makuha si Angel sa bahay nila. Nilalaro niya ang b