Thank you, everyone, for attending one of the best moment of my daughter's life," huminto ito sa pagsasalita at pinahid ang nangangambang pumatak na luha. Naiiyak siya ngunit ingat na ingat pa din ito na baka masira ang kaniyang make up kahit na water proof ito. Maarte niyang pinunasan ang luha. "Bakit kaya ang best moment ng isang babae ay parang ikakadurog naman ng magulang," wika niya at natawa. Natawa din ang ibang tao habang nakikinig sa kaniya. "I know, I am a perfectionist woman and to my children. I wish only the best for them, but I didn't realize that I am becoming a cruel mother," wika niya. Pinaikot niya ang mata upang itago ang pagiging emosyonal. Pero nalaglag pa din ang luha niya at agad pinunasan ng hawak na tissue. "I love my children so much, I wish them all the best