Careful," wika ni Jake. Inaalalayan niya ako ngayon papasok sa room namin. Naparami ang nainom ko kaya naman mahilo-hilo na ako ngayon. Baka kung hindi ako inalalayan ay nabuwal na ako.
Agad kong sinalampak ang katawan ko sa kama ng makalapit ako roon.
"My God. Nahihilo talaga ako," wika ko habang nakapikit dahil pakiramdam ko umiikot ang buong silid.
"Sleep, at umayos ka nga. Hindi lang ikaw ang tao dito," wika ni Jake. Ramdam ko na inayos niya ang pagkakahiga ko. At kinumutan ako.
"Thank you. Sleep on the couch," wika ko sa kaniya sa lasing na boses.
"You're welcome," sarkastiko niyang wika.
"Hmmm," tanging wika ko.
Narinig ko siyang nagmura.
Tinanggal ko ang kumot na nakabalot sa akin at tumagilid ng higa.
"Hmmm," tikhim dapat 'yun pero naging malambot ang dating niya.
"Will you please, stop that," masungit na wika ni Jake.
"Hmmm, what?" tanong ko.
"That hmmm," wika niya.
"Hmmm?" wika ko ulit.
"f**k," he curse. Bumaling ulit ako ng higa. Naririnig ko pa si Jake na may sinasabi pero hindi ko na maintindihan dahil hinila na ako ng antok.
Ang nakakasilaw na sinag ng araw na nagmumula sa malaking bintanan ng kuwarto ang gumising sa'kin. Hinila ko ang kumot at nagtalukbong. Bumaling pa ako sa kabila upang ituloy ang pagtulog ko. Pero agad din ako napamulat ng mata ng maramdaman ko ang matigas na bagay sa aking tabi.
Dinilat ko ang isang mata ko upang makita ang katabi ko. Naalala ko na kasama ko pala si Jake sa room. At ang akala ko sa couch ito natulog pero bakit narito na siya sa tabi ko. Gagalaw na sana ako upang tumalikod sa kaniya ng maramdaman ko na gumalaw siya. Ang mukha niya ay dinikit niya sa tuktok ng ulo ko.
Pigil ko ang hininga ko habang ninanamnam ang sandaling ito. Hindi naman na ako lasing pero bakit parang napakahalay ko pa din.
Pumikit ako at bahagyang kumilos at ang isang braso ko ay sinampay ko sa kaniyang tagiliran. Napangiti ako. Nag-aaway na ang aking isipan dahil sa kalandian na ginagawa ko ngayon.
Naramdaman ko din na bahagyang gumalaw si Jake at sinampay din ang braso sa aking tagiliran. Napapikit ako ng mariin at pinipigilang tumili dahil sa kilig.
"Hmmm," ungol niya. s**t! Bakit parang nang-aakit ang dating nu'n sa'kin. Naramdaman ko din ang pagyakap na sumiksik pa siya sa'kin at ngayon naglapit na ang katawan namin. Pigil ko ang aking paghinga. Ayaw kong kumilos dahil baka magising siya.
"You can breathe now," usal niya. Antok pa ang boses niya pero napaka-sexy ang dating. Yayakap pa sana ako ng bigla akong natauhan. Bumitaw ako sa pagkakahawak sa kaniya at tinulak siya.
"Hmmm, stay still," wika niya at yinakap pa ako ng husto.
"Ano ba!" masungit kong wika. Dinaan ko na lang sa pagsusungit ang kahihiyan ko ngayon.
Narinig ko ang pagtawa niya. Kaya naman tinutulak ko siya para bitawan na ako pero nanatili lamang siyang nakahawak sa'kin.
"Never thought that waking up in bed with someone is this good," wika niya. Natahimik ako. Gusto kong sabihin na ganu'n din ang feeling ko pero hindi ko na lang isinatinig.
"Like as if you haven't bedded thousand of girls," wika ko.
"I don't sleep with them," wika niya na para bang proud na proud siya. Bumuntong hininga ako.
"Ikaw pa lang ang nakatabi ko sa pagtulog," wika niya. Napangiti ako.
"Like as if may nangyari satin," masungit kong wika.
"Gusto mo ba?" wika niya. Hinampas ko siya sa dibdib. Tumatawa siya habang hinahampas ko pa din siya. Hinuli niya ang dalawang kamay ko at dinala sa labi niya.
Bigla akong na-conscious dahil amoy bagong paligo siya.
"Kanina ka pa ba gising?" tanong ko.
"Hindi ako nakatulog," inaantok niyang wika habang kulong ako sa kaniyang braso. Bakit ba pakiramdam ko normal lang na ganito kami. Kung tutuusin estranghero pa din siya sakin dahil ilang araw pa lang kaming magkakilala.
"Bakit?" tanong ko.
"You didn't let me sleep," wika niya.
"Matulog ka muna, maliligo lang ako," paalam ko para bitawan na ako.
"Let's stay this way," wika niya. Hindi ko alam pero parang may iba pang meaning ang sinabi niya.
"Mabaho na ako," wika ko naman.
Tumawa siya. Binitawan na niya ako na para bang sinabi na, oo nga mabaho ka na kaya maligo ka na.
Mabilis akong bumangon at kinuha ang bag ko. Pumasok ako agad sa banyo.
Kanina pa pasulyap-sulyap si Jake habang kumakain kami. Tumikhim ako at uminom ng tubig.
"Are you gonna party tonight?" tanong niya.
"Not sure yet," wika ko at sinubo ang pinakahuling pagkain sa plato ko.
Tumango siya at uminom ng tubig. Tapos na din siyang kumain.
"Why?" tanong ko.
"You can call me if you're going out tonight. You can't be drunk that way. Baka may mangyari pa sayong masama," wika niya.
"Been partyin' for three years now, but nothing bad happended," wika ko.
"Basta, tawagan mo ako kung mag-club ka," wika niya. Nangiti ako sa loob-loob ko. Ibig sabihin magkikita pa ulit kami. Agad kong narinig ang pagsaway ng aking utak.
Nakataas ang kilat ni Jake, marahil hinihintay ang sagot ko. Tinaasan ko din siya ng kilay. Bakit ba ang guwapo niya.
I've seen lots of hot and handsome men here pero hindi pa ako nakaramdam ng ganito na atraksiyon. Para akong elementary na nagkaroon ng crush. I smile inwardly. Damn! Ang landi mo na Angel. Hindi bagay ang pangalan mo sayo. Wika ng aking isip.
"Let's go?" tanong ni Jake. Tumayo na ako at sumunod sa kaniya palabas ng restaurant. Nauna ng umalis sina Walter dahil tanghali na kami gumising ni Jake kanina.
Bakit parang ang bilis ng oras. Uuwi na kami. Balik na naman sa dating buhay ko. Mag-isa, malungkot.
Sinulyapan ko pa ang hotel at ang beach bago ako pumasok sa sasakyan.
I just hope that my life was like this. Peaceful and contented. Bumuntong hininga ako at inayos ang seatbelt.
"We can stay here if you want," wika ni Jake. Ngumiti lang ako at umiling.